Binaril sa ulo habang nagpapa-load… parak itinumba ng apat

MANILA, Philippines -Malapitang binaril sa ulo ang isang bagitong pulis ng isa sa apat na kalalakihan habang ito ay nagpapa-load ng cell phone sa isang tindahan, kahapon ng madaling-araw  sa Tondo, May­nila.

Ang biktima na nasawi habang nilalapatan ng lunas sa Mary Johnston Hospital ay nakilalang si PO1 Jessie Boy Lorenzo, 23, binata, nakatalaga sa Regional Public Safety Battalion (RPSB) sa Bicu­tan, Taguig City.

Sa ulat ng pulisya, dakong alas-12:10 ng mada­ling-araw ay magdu-duty na sana ang biktima sa LRT Station kung saan siya nakadestinong magbantay nang mapadaan ito sa isang tindahan sa Laurel St., kanto ng Chesa St., Tondo para magpa-load  sa kanyang cell phone.

Dito ay nilapitan siya ng apat na kalalakihan at isa sa mga ito ang bumunot ng baril at malapitang binaril sa ulo.

Nang bumagsak ang biktima ay mabilis na tumakas ang suspek at tina­ngay ang service firearm ng biktima.

Patuloy ang imbestigas­yon ng pulisya para mabatid ang motibo ng krimen na kung saan ay hinihinala na mga hol­daper ang mga suspek na inagawan lang ng baril ang biktima, subalit puma­lag ito kung kaya’t binaril may atraso ang biktima na niresbakan lang ng mga suspek.

 

Show comments