^

Police Metro

Obrero kinatay ng barangay kagawad, 3 pa

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines -Pinagtulungang patayin ng apat na lalaki kabilang ang isang barangay kagawad ang kainuman nilang construction worker kahapon ng madaling-araw sa Tondo, Maynila.

Ang nasawi ay nakilalang si Jimwel Agusin  Besmanos, 23-anyos, residente ng no. 2507 Bonifacio St., Vitas, Tondo, Maynila.  Ang mga suspek na tinutugis ng pulisya ay kinila­lang sina Brgy. Kagawad Ervin Juan ng Brgy. 106, Zone 152, ng Cadena de Amor St., Tondo; isang Richard Juan; isang Kenneth Queri at isang alyas “Ramses”, ng no. 146 Rizal St., Tondo. Batay sa ulat, bago naganap ang krimen dakong alas-2:00 ng madaling-araw sa Bonifacio St., sa Vitas ,Tondo ay kainuman ng biktima ang tatlong suspek na kung saan sa gitna ng kanilang inuman ay nagkuwento ang una. Hindi nagustuhan  ng isa sa suspek ang kuwento ng biktima na nauwi sa mainitang pagtatalo hanggang sa magkahamunan at dito ay sumali na ang tatlo pang kainuman at pinagtulungang saksakin ang biktima hanggang sa ito ay mapatay.

vuukle comment

AMOR ST.

BONIFACIO ST.

BRGY

JIMWEL AGUSIN

KAGAWAD ERVIN JUAN

KENNETH QUERI

MAYNILA

RICHARD JUAN

RIZAL ST.

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with