Hindi nakaya ang sobrang kalungkutan… mister nilayasan ng pamilya, naglason

MANILA, Philippines -Tinapos ng isang mister ang kanyang buhay sa pa­mamagitan ng pag-inom ng lason dahil sa hindi umano makayang kalungkutan sa buhay simula nang layasan ng misis at mga anak na naganap kama­kalawa sa Brgy. Kaanga­yan, Maha­yag, Zamboanga del Sur.

Ang nasawi ay kinila­lang si Librado “Egling” Abelloso, nasa hustong gulang, caretaker sa isang ma­lawak na farm at residente ng nasabing barangay.

Batay sa ulat, dakong alas-7:30 ng umaga nang madiskubre ng kanilang kapitbahay at tatlong kasamahang caretaker ang bangkay ng biktima sa silid ng kanilang bahay sa nasabing lugar.

Natagpuan sa tabi ng biktima ang lalagyan ng cypermethrine, isang uri ng lason na ginagamit sa tubig tabang para malason at lumutang ang mga isda.

Ang nasabing lason ay inihalo ng biktima sa isang bote ng softdrinks na siya nitong ininom.

Ayon sa mga kakilala at kaibigan na bago ang insidente ay madalas na tulala ito at halos hindi makausap ang biktima matapos na layasan ng kaniyang misis at mga anak.

 

Show comments