Sinuyod ng truck… Lola tigok, apo malubha
MANILA, Philippines - Tigok ang isang lola habang sugatan naman ang apo nito matapos na suyurin ng isang truck ang isang bicycle accessories store na kinaroroonan nila sa Antipolo City kamakalawa ng hapon.
Ang biktimang si JoÂsephine Alburo, 54, resiÂdente ng Block 10, Northville, Barangay Bagong Nayon ay kaagad na nasawi dahil sa aksidente bunsod nang tinamong matinding pinsala sa katawan at ulo, habang nilalapatan naman ng lunas sa Antipolo Medical Hospital ang kanyang apong si John Carlo Bualoy, 1-taong gulang.
Tinutugis naman na ng mga awtoridad ang tumakas na driver ng truck na nakilalang si Johny Celeste, nasa hustong gulang, residente naman ng Barangay Bagtas, Tanza, Cavite.
Batay sa ulat ng pulisya, nabatid na dakong alas-2:40 ng hapon nang maganap ang aksidente sa kahabaan ng Marcos Highway (Sto. RosarioCemetery) sa Brgy. Sta Cruz, Antipolo City.
Minamaneho ni Celeste ang isang Isuzu Wing Van Truck (RME-155) sa kahabaan ng Marcos HighÂway patungo sa Masinag Area at pagsapit sa lugar ay bigla na lang umanong nag-lock ang manibela nito at nawalan ng kontrol hanggang sa tuluyang masuyod ang naturang tindahan na kinaÂroroonan ng mag-lola.
Napinsala rin sa aksiÂdente ang pader ng sementeryo na nasa lugar matapos mabangga ng truck.
- Latest