MANILA, Philippines -Pumalo sa 2.89 milyon na Pilipino ang walang traÂbaho batay sa data ng National Statistics Office (NSO).
Nabatid na umabot na sa 2.89 milyon ang bilang ng mga jobless sa bansa noong Enero ng taong ito, mas mataas kaysa sa 2.76 milyong naitalang jobless noong Oktubre, 2012.
Tumaas din ang mga underemployed na Pinoy na 7.16 milyon noong Oktubre, 2012 ay tumaas na ito sa 7.93 milyon.
Ang underemployed ay mga manggagawang hindi sapat ang oras at kinikita sa isang trabaho o mga overqualified sa napasukang trabaho.