UP Manila coed na walang pang-tuition, naglason
MANILA, Philippines - Ang kahirapan umano sa buhay ang posibleng dahilan kung kaya’t tinapos ng isang 16-anyos na babaing UP student ang buhay sa pamamagitan ng pag-inom ng silver cleaner kahapon ng madaling-araw sa loob ng kanilang bahay sa J. Abad Santos, Tondo, Maynila kahapon ng madaling-araw.
Ang biktima ay nakilalang si Kristel TejaÂda, 1st year student sa kursong Behavioral Science sa University of the Philippines-Manila.
Kinumpirma ni Professor Andrea Martinez ng UP-Manila na ang biktima ay uminom ng silver cleaner sa kanilang bahay sa J. Abad Santos sa Tondo, Maynila dakong alas-3:00 madaling araw at hindi na ito umabot ng buhay nang isugod ng mga magulang sa Metropolitan Medical Center.
Ayon pa kay Prof. Martinez, guro ng biktima, na noong nakaraang linggo lamang ay nag-file ang biktima ng leave of absence mula sa UP dahil hindi ito nakapagbayad ng kanyang tuition fee.
Mula umano nitong buwan ng Pebrero ay hindi na nakakapasok ang biktima dahil bukod sa problemang pinansiyal, may problema rin umano ito sa pamilya.
Nabatid din na noong Lunes ay nag-post pa ito ng kanyang status sa kanyang facebook account “I hope, I will be missedâ€.
Nito lamang din Miyerkules ay nag-text pa ang biktima kay Prof. Martinez at ipinaalam na hindi maaÂyos ang kanyang kondisyon.
Idinagdag pa ni Prof.Martinez na nagkuwento sa kanya ang biktima at sinabi na malaki ang epekto sa kanya ng paghinto sa pag-aaral dahil siya ang panganay sa kanilang 5 magkakapatid at gusto niyang siya ang magtaguÂyod sa mga nakababatang kapatid at magulang.
Ang ama ni Kristel ay isa umanong part time taxi driver habang ang ina naman nito ay walang trabaho.
Samantala, sinabi ni Cleve Arguelles, student leader ng UP-Manila na walang dapat sisihin sa pagpapakamatay ni Tejada kundi ang UP administration dahil sa ilang beses na umanong lumuhod ang mga magulang ng biktima na pagbigyan ang kanilang anak na makakuha ng final exam kahit hindi pa sila nakakabayad ng tuition fee, subalit hindi umano pinagbigyan.
Sinabi ni Arguelles na hanggang Marso 13 lamang ang itinakdang deadline ng UP Manila para makapag-bayad ng tuition fee at batay sa pinaiiral na “no late payment policy†ay mababalewala na ang kanilang buong semestre dahil matatanggal sila sa listahan ng mga enrollees
Sinasabing mula noong Miyerkules ay umiiyak palagi ang biktima at nakiusap na rin ito sa kanyang mga professor na matuluÂngan pero walang magawa ang mga ito. - Ludy Bermudo, Angie dela Cruz -
- Latest