MANILA, Philippines - Tinatayang aabot sa 35 tauhan ni Sultan Jamalul Kiram na pinaniniwalaan ding nagsitakas sa sagupan sa Sabah, Malaysia ang nasabat ng Philippine Navy sa bahagi ng karagatan ng AndoliÂngan Island, Tawi-Tawi, kahapon ng umaga.
Ayon kay Navy SpoÂkesÂman Lt. CommanÂder Gregory Gerald Fabic, dakong alas-6:30 ng umaga nang maharang ng Philippine Navy Patrol Ship (PS) 38 BRP Gen. Mariano Alvarez at PG 370 BRP Jose Andrada ang mga armadong tauhan ni Kiram sa kanlurang bahagi ng karagatan ng nasabing isla.
Sinabi ni Fabic na pinaniniwalaang ang mga naharang na mga indibidwal ay mga tauhan ng Sultanate Royal Army na binubuo ng isang babae at 34 lalaki na nagsitakas sa Lahad Datu, Sabah, Malaysia dahilan armado ang mga ito.
Ang mga naharang na tauhan ni Kiram ay lulan ng dalawang bangkang de motor na ayon kay Fabic ay posibleng gaÂling Malaysia at maari ring bahagi ng reinforcement na nakatakda nilang iimbestigahan upang mabigyang linaw ang inÂsiÂdente.