MANILA, Philippines - Inaprubahan ni Presidente Benigno Aquino III ang pagsasapribado ng power distribution infrastructure ng Olongapo City para maisulong ang modernisasyon nito.
Ayon kay Olongapo Mayor James Gordon Jr., kandidato ng LibeÂral Party (LP) sa 1st congressional district ng Zambales, ikinatuwa nila ang pagkakaapruba ng prangkisa kaya masisimulan na ng Olongapo Electricity Distribution Company, Inc. ang pagsasamoderno ng power distribution system at rehabilitasyon ng mga imprastraktura.
“Ang mga ulat ukol sa blackouts na ipinakalat ng mga kalaban ko sa politika ay nagwakas sa pag-aapruba ng Pangulong Aquino sa prangkisa,†ani Gordon. “Kami na ang mangaÂngasiwa sa power distribution network ng lungsod at titiyak na episyente ang serbisyo at maibibigay ang abot-kayang power rates.â€
Ipinagkaloob ni Aquino ang 25 taong prangkisa sa Olongapo Electricity Distribution Company, Inc. sa paglagda noong nakaraang Marso 1 sa Republic Act (RA) No. 10373 na nagkakaloob sa power distributor ng prangkisa na magtayo, mag-instila, magtatag at mag-operate at magmantine para sa layuning komersiyal upang mapangalagaan ang interes ng publiko sa pamamahagi ng koryente sa mga residente ng Olongapo at karatig lugar.
Nilinaw ni Gordon na para sa kapakanan ng publiko ang modernisasyon ng power distribution ng Olongapo.