Sabah crackdown: 222 Pinoy naaresto

MANILA, Philippines - Nagsagawa ng crackdown ang Malaysian forces laban sa Royal Army na pinamumunuan ni Rajah Muda, kapatid ni Sultan Jamalul Kiram III na kung saan ay umabot na sa 222 katao ang naaresto at ikinulong sa Sabah.

Sa nasabing bilang na naaresto, ang 97 katao dito ay iniuugnay sa grupo ni Rajah Muda ang nasa kustod­ya ng Malaysian Police dahil sa paglabag umano sa Section 130(C) of the Security Offences and Special Measures Act 2012.

Kabilang umano sa mga naaresto ay malalapit na kaanak ng mga Kiram na nakabase sa Sabah.

Samantala, 125 pang katao na hinihinalang mga Pinoy din ang inaresto at ikinulong matapos na pumasok sa lugar kung saan ginagawa ang operasyon ng Malaysian forces.

 

Show comments