Nakipagtalo sa ka-live in nagbigti rin… natakot maging ama, nagbigti sa puno

MANILA, Philippines - Posible umanong natakot sa kanyang magiging res­ponsibilidad bilang bagong ama ang isang 18-anyos na binata matapos mamroblema sa pera nang mabuntis ang kanyang nobya kaya’t nagawa nitong magbigti sa puno ng santol kahapon ng umaga sa Brgy. Banay-Banay, Amadeo, Cavite .

Ang biktima na natagpuang nakabigti sa puno ay nakilalang si Michael Magdamit, helper sa isang softdrinks company at residente ng Sitio Pulong Katyog ng nasabing barangay.

Sa imbestigasyon ng pulisya, ganap na alas-7:00 ng umaga nang matagpuan ang biktima ng kanyang amain na si Roberto Morundo na nakabigti sa puno ng santol sa labasan ng ka­nilang bahay.

Lumalabas sa imbestigasyon, huling nakitang buhay ang  biktima na kainu­man nito ang dalawang ti­yuhin na sina Bernard Publico at Salvador Ortacio noong alas 5:00 ng hapon.

Habang nag-iinuman umano ay nabanggit ng biktima sa kaniyang mga tiyuhin ang dinadala nitong problema na maagang pagbubuntis ng nobya at hindi pa umano nito kayang magkaroon ng pamilya dahil sa hindi sapat ang kinikita nito sa trabaho.

Pinayuhan ng mga tiyu­hin ang  biktima na maging matatag sa problema na inakala nila na okey na ang pamangking hanggang sa magpaalam na ito para matulog.

Kinaumagahan ay nagu­lat na lamang sila nang ma­balitaan na nagbigti ito.

Samanatala, isang 25-anyos na negosyante ng scrap metals na nakila­lang si Felicito Abad Jr., ang nagpakamatay din sa pamamagitan nang pagbi­bigti kamakalawa ng gabi sa sala ng kanyang bahay sa NPC Area 1, Talipapa, Caloocan City matapos ang mainitang pagtatalo nila ng kanyang live-in partner

Sa ulat ng Caloocan City Police, dakong alas-6:00 ng gabi nang makitang nakabigti ang biktima na gumamit ng kable ng kuryente ng kanyang amang si Felicito Sr.

Agad na kinalag ng ama sa pagkakabigti ang anak at dinala nsa ospital, subalit hindi na ito umabot ng buhay. – Cristina Timbang, Lordeth Bonilla –

 

Show comments