Magpinsan gutay sa granada

MANILA, Philippines - Idineklarang dead-on-arrival sa ospital ang isang magpinsan habang isa ang nasugatan makaraang masabugan ng granada na inihagis sa kanila ng isang lalaki kamakalawa ng gabi sa Brgy. Mahalang, Hima­may­lan City, Negros Occiental.

Ang magpinsan na na­sawi ay kinilalang sina Jonathan at Ranie Sebugero.Ha­bang patuloy namang nilalapatan ng lunas ang isa pang nasugatan nilang kasamahan na hindi natukoy ang pangalan.

Batay sa ulat, bandang alas-7:30 ng gabi ay bigla na lamang umanong hinagi­san ng granada ng hindi nakilalang mga lalaki ang mga biktima habang nasa bisinidad ng lugar.

Pinaniniwalaan namang alitan sa lupa ang motibo ng pag-granada habang patuloy ang imbestigasyon sa kasong ito.

Show comments