^

Police Metro

20-M Pinoy nagugutom – Enrile

Butch M. Quejada - Pang-masa

MANILA, Philippines - Inihayag kahapon ni Cagayan Rep. Jack Enrile na may kabuuan umanong 20-milyong Pilipino ang nagugutom araw-araw.

Ayon kay United Natio­nalist Alliance (UNA) Senatorial bet Jack Enrile na hindi sapat ang target na 6-7 porsiyento ng gross national product (GDP) growth nga­yon taon sa mga nagugutom na Pinoy. 

Binanggit ni Enrile na habang patuloy sa pag-export ang bansa ng mga lokal na produkto sa ibang bansa ay mas lalong dumedepende ang pamahalaan sa pag-angkat ng mga imported goods.

Pinuna pa ng Cagayan solon, na prayoridad ang “food sovereignty” sa kanyang political agenda kung mahahalal sa Senado, ang mataas na unemployment rate at malnutrisyon partikular sa mga bata na lalong nagpapalayo sa economic growth ng bansa at sa mababang kalidad ng pamumuhay ng maraming Pilipino.

 Si Enrile ang may akda ng House Bill (HB) 4626 o ang tinatawag na Food for Filipinos Act na tututok sa pagkakaroon ng national food requirement plan na magtuturo at magde-develop ng kakayahan ng isang rehiyon o probinsya sa bansa na mag-produce ng pagkain.

AYON

BINANGGIT

CAGAYAN REP

FILIPINOS ACT

HOUSE BILL

JACK ENRILE

PILIPINO

SI ENRILE

UNITED NATIO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with