^

Police Metro

21 Sundalo pinakawalan na

Ellen Fernando at Rudy Andal - Pang-masa

MANILA, Philippines - Pinakawalan na ng mga rebeldeng Syrian ang 21 sundalong Pinoy na nagsisilbing peacekee­pers ng United Nations sa Golan Heights, Isreal matapos ang tatlong araw na pagkakabihag sa Syria.

Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA) at Philippine Embassy sa Jordan ang 21 Pinoy na miyembro ng United Nations Disengagement Observer Force (UNDOF) ay pinakawalan ng mga Syrian abductors sa Jordanian authorities.

Sinabi ni UN Secretary General Ban Ki-moon na welcome sa kanya ang ginawang pagpapalaya sa 21 Pinoy  at iginiit nito na dapat ay respetuhin ang “freedom of movement, safety and security” ng lahat ng UN peacekeepers na may “immunity” tulad ng mga diplomat.

Ikinatuwa naman ng Malacañang ang pagpapalaya sa 21 Filipino contingent sa UN peacekeeping force na binihag ng mga rebelde sa Syria.

Sinabi ni Presidential Spokesman Edwin La­cierda, nagpasalamat si Pangulong Benigno Aquino III sa effort ng United Nations (UN) upang ligtas na mapalaya ng mga rebelde ang 21 Filipino UN peacekeeping forces sa Syria.

 

DEPARTMENT OF FOREIGN AFFAIRS

GOLAN HEIGHTS

PANGULONG BENIGNO AQUINO

PHILIPPINE EMBASSY

PINOY

PRESIDENTIAL SPOKESMAN EDWIN LA

SECRETARY GENERAL BAN KI

SINABI

UNITED NATIONS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with