^

Police Metro

OFW sa Saudi bibitayin!

Ellen Fernando - Pang-masa

MANILA, Philippines - Binibigyan na lamang na hanggang bukas ang Overseas Filipino Worker (OFW) upang maibigay ang P44 milyong blood money na hinihingi ng pamilya ng biktima kundi itutuloy na ang naudlot na pagpugot sa ulo ng nasabing OFW.

Nabatid na matatapos na ang apat na buwang extension o reprieve na ibinigay ng aggrieved party sa Marso 12, 2013 sa pamilya ng bibitaying OFW na si Joselito Zapanta, 32-anyos, tubong Bacolor, Pampanga upang maipasa ang tinatayang P44 milyon mula sa naunang demand na P55 milyon.

Ayon kay Vice President Jejomar Binay, tumata­yong Presidential Adviser on OFWs’ Concerns na nakapagbukas na ng bank account para kay Zapanta ang Embahada ng Pilipinas sa Riyadh at may inisyal na itong P4 milyon deposito mula sa ambag ng gobyerno para sa nasabing  blood money.

May isang indibiduwal din aniya ang nagbigay ng P1 milyon na naipasok na rin sa nasabing bank account habang nagsasagawa ng fund raising ang kampo ni Pampanga Governor Lilia Pineda para sa blood money ng kababayang si Zapanta na nasa hanay ng mahihirap na pamilya.

Ang grupo ni Susan Ople ng Blas F. Ople Center ang tumutulong at nakikipag-ugnayan din sa pamilya Zapanta para sa ‘Save Zapanta” drive.

Si Zapanta ay nakatakda sanang pugutan ng ulo noong Nobyembre 14, 2012 subalit hindi natuloy matapos na pumayag ang pamil­ya ng Sudanese national na bigyan pa ng 4-buwang pa­lugit ang pamilya Zapanta na maibigay ang blood money.

BLAS F

JOSELITO ZAPANTA

OPLE CENTER

OVERSEAS FILIPINO WORKER

PAMPANGA GOVERNOR LILIA PINEDA

PRESIDENTIAL ADVISER

SAVE ZAPANTA

SI ZAPANTA

ZAPANTA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with