2013 Manila Bay Seasports Festival itinakda

MANILA, Philippines - Handa na ang lahat para sa  Manila Bay Seasports Festival na gaganapin sa ika-16 at 17 ng Marso at magsisimula ang karera sa ganap na alas-8:00 ng umaga na inaasahang  dudumugin ng mga manonood sa Baywalk. 

Lalahok sa dragon boat competition ang  One Piece Drakon Sangress, Rogue Pilipinas, Triton Dragon Racing Teams, Amateur Paddlers Philippines, Mahalrika Drakon, Blue Phoenix, Onslaught Racing Dragons, Philippine Coast Guard, Philippine Army, Manila Ocean Park, Dragons Republik Philippines, Adamson Draconis Falco, RCP Sea Dragon, Cebu Dragons, Lake Buhi, at Buhi-Camsur Team.

Dadayo naman upang maglaban-laban sa stock at formula races ng bancathon ang batikang mga bangkero mula Pangasinan, Cavite, Quezon, Batangas, La Union, Negros Occidental, Navotas, Cagayan Valley, Surigao del Sur, Laoag, Misamis Oriental, Bina­ngonan, at Iloilo.

Handog ng Manila Broadcasting Company, Star City at ng Lungsod ng Maynila sa pakiki­pagtulungan ng Philippine Coast Guard.

Show comments