Misis pinatay ng lover na tibo

MANILA, Philippines - “Sige patayin mo na ako tutal ganyan ka naman lagi sa akin, lagi mo na lang ako tinatakot na papatayin, saksakin mo na ako,”.

Ito ang huling kataga na sinabi ng biktima na si Josephine Balangquit, 51, ng No.7 Suszuaregui, Diliman, Quezon City sa lover nitong tomboy na si Patricia Pilapil, 56 bago ito natagpuang patay sa kanyang kuwarto kahapon ng alas-3:00 ng madaling-araw.

Ayon sa kay Mildred Belonio na rumirenta sa isa sa mga kuwarto ni Balangquit, narinig umano niya ang dalawa na nagtatalo nang oras na nabanggit.

Nang huminto ang pagtatalo ay nagtaka si Belonio kaya’t nagpas­yang tignan kung ano ang nangyari at pagkasilip niya sa nakaawang na pintuan ay nakita niya ang biktima na nakahahiga sa lapag ng kanyang kuwarto.

Agad na humingi ng tulong si Belonio sa ilang kapitbahay at dinala ang biktima sa East Avenue Medical Center kung saan  idineklara itong patay.

Lumalabas sa pagsusuri ng mga doktor na ang biktima ay pinatay sa sakal dahil sa nakitang may bakas ito ng marka ng tali sa kanyang leeg.

Ayon sa mga kapitbahay na laging nag-aaway ang biktima at suspek dahil sa nais na ng una na tapusin ang relasyon nito sa huli na naglalagi na sa kanyang bahay.

 

Show comments