2 PO1 ng QCPD sinuspinde sa ‘paghulidap’

MANILA, Philippines - Tinanggalan ng tsapa at baril ni NCRPO Chief, Director Leonardo Espina ang dalawang baguhang pulis na sina PO1s George Verbo Jr., 37 at Thomas Jancen Tulio, 31 na inirek­lamo ng dalawang call center agent na nangotong sa kanila, kamakalawa ng madaling araw.

Ayon sa reklamo ng dalawang call center agent na sina Salustiano John Douglas at Norminia Sison, kapwa nasa hustong gulang na papasok sila sa kanilang trabaho nitong nakaraang Martes ng madaling araw at naghihintay ng masasakyan nang bigla silang arestuhin ng dalawang pulis kasama ang mga police asset na nakilalang sina Domingo Mendaro at Jerry Sora at hiningian ng P20,000 kapalit ng kanilang kalayaan.
Dahil 15,000 lang ang pera ng dalawang biktima ay pumayag na ang dalawang pulis na sila ay palayain.

Agad na nagtungo ang mga biktima sa QCPD headquarters at inireklamo kay Gen. Albano ang mga pulis na positibong naituro naman ng mga biktima ang dalawang pulis.

 

 

Show comments