MANILA, Philippines - Aksidenteng nabaril at napatay ang isang 4-anyos na batang babae ng sarili nitong tiyuhin kamakalawa sa Brgy. Songkit, Madrid, Surigao del Sur.
Namatay noon din ang biktimang si Glenn Angel Plaza, dahil sa tinamong tama ng bala ng cal. 38 reÂvolÂver sa kaliwang kamay na naglagos sa kanyang tiyan.
Pinaghahanap naman ang tumakas na suspek na kinilalang si Beltrano Cosmiano, nasa hustong gulang, may-asawa, magsasaka at residente ng Purok 2, Brgy.Songkit ng bayang ito.
Batay sa ulat, nililinis ng suspek ang kanyang baril sa loob ng kanyang bahay nang aksidenteng makalabit ang gatilyo na kung saan ay tumama ang bala sa biktima na nagkataong naglalaro sa bahay. Nang mapatay angpamangkin ay dali-daling tumakas ang suspek.