^

Police Metro

Penson: Stop political dynasty!

Pang-masa

MANILA, Philippines - Nanawagan si independent candidate for Senator Ricardo Penson na wakasan na ngayong May 13 elections ang garapal at patuloy na panloloko ng mga political dynasty na ginagawang pampamilyang bigasan ang Senado, Kongreso maging ang lahat ng puwesto sa local governments.

Mistula anyang family business at kina-career na ng buong mag-anak ng mga trapo,mayaman at makapangyarihang politiko ang lahat ng puwesto sa gobyerno --- kahit sila’y walang mga pinag-aralan at sapat na kakayanan --- para mapigil lang ang leaders na karapat-dapat at mahinto ang nakawan at katiwalaan sa gobyerno.

Ayon pa kay Penson, ang tanging kandidato na suportado ng SANLAKAS, Partido Lakas ng Masa (PLM), at lead convenor na Krusada Kontra Dynasty na kasapi sa grand coalition ng lahat ng grupong lumalaban sa political dynasty: “Oras na para tapusin ang mag-asawa, mag-ama, magkakapatid sa puwesto gaya nina Estrada, Binay, Enrile, Cayetano, Angara atbp. na tumakbong mga gobernador, vice-gov., mayor at vice-mayor.”

Si Penson ang nanguna at naghain ng ‘Petition for Mandamus’ sa Korte Suprema at “Disqualification Case for Clear and Obvious Cases of Political Dynasties” sa Comelec laban sa mga Villafuerte sa Camarines Sur, Gatchalian sa Valenzuela City, Duterte sa Davao, at Pampanga Gov. Baby Pineda at anak nitong si former-Lubao Mayor Dennis Pineda na tumatakbo naman vice-gov ng kanyang ina.

BABY PINEDA

CAMARINES SUR

CLEAR AND OBVIOUS CASES OF POLITICAL DYNASTIES

DISQUALIFICATION CASE

KORTE SUPREMA

KRUSADA KONTRA DYNASTY

LUBAO MAYOR DENNIS PINEDA

PAMPANGA GOV

PARTIDO LAKAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with