^

Police Metro

Pulis na holdaper tinutugis

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Isang manhunt ope­ration ang ikinasa ng Manila Police District (MPD) laban kay PO1 Eduardo Salamat Jr., na nakatalaga sa National Capital Region Police Office (NCRPO) matapos ireklamo ng tatlong biktima na sila ay hinulidap sa halagang P182,000 sa magkakahiwalay na insidente sa Tondo, Maynila.

Sa reklamo ng mga biktimang sina Eric Garuza, 37, ng J. Abad Santos Ave., Manuguit, Tondo; Roger Baguid Jr., 25 ng A. Maria Payo St., Tondo at Macario Albao, 38 ng Tadlan St., Sta Cruz.

Batay sa imbestigas­yon, naganap ang unang insidente nang panghoholdap ng suspek dakong ala-1:15 ng madaling araw  sa loob ng garahe ng mga pampa­saherong jeepney na pag-aari ni Garuza noong Pebrero 24 habang ang huling insidente ay naganap dakong alas-2:30 ng madaling araw sa Balbao St., Tondo.
Ayon kay Garuza, natutulog siya nang gisingin ng kanyang mga tauhan upang ipaalam na sapilitang pinasok ng suspek na nakasuot ng uniporme at naka-jacket ng itim at sapilitang kinuha ang P30,000 cash na boundary  ng kanyang mga drivers.

Kinabukasan ay nagtungo si Garuza at mga driver nito sa mga presinto upang kilalanin ang suspek, subalit hindi nila ito nakita dahilan upang mag-report sa MPD-GAS kung saan kinilala nila ang suspek sa pamamagitan  ng photo gallery.

Nagtitinda naman sina Baguid at Albao sa nasabing lugar nang dumating ang suspek at puwersahang kinuha ang kanilang napagbentahan na umaabot sa P152,000 cash.

Inireport rin nila ito sa MPD-GAS at kinilala rin ang suspect  sa pamagitan ng photo gallery.

Nabatid na ang suspek ay dating nakatalaga sa MPD-DPHRDD, subalit nailipat umano sa Bicutan noong 2009.

 

ABAD SANTOS AVE

BALBAO ST.

EDUARDO SALAMAT JR.

ERIC GARUZA

GARUZA

MACARIO ALBAO

MANILA POLICE DISTRICT

MARIA PAYO ST.

NATIONAL CAPITAL REGION POLICE OFFICE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with