Bumbay dinukot ng 7 ‘NBI’ agents

MANILA, Philippines - Dinukot ng pitong ka­lalakihan na ang apat dito ay nakasuot ng t-shirt na may tatak na National Bu­reau of Investigation ang isang Indian national trader sa Valenzuela City.

Ayon sa pulisya ayaw umanong makipagtulu­ngan ang pamilya ng bik­tima na si “al­yas Sodhi”.

Sa pagsisiyasat ng pulisya, dakong alas-6:30 ng umaga sa Cayetano St., Arty Subdivision 2, Ba­rangay Karuhatan ay nagmamaneho ng mo­torsiklo ang biktima nang sumulpot ang mga sus­pek at kinaladkad ito at ipinasok sa kulay berdeng kotse na hindi naplakahan

Isa sa mga suspek ang sumakay sa motorsiklo ng biktima na  inabandona sa Bonifacio St., ng naturang lugar.

Ang kaso ng biktima ay inilipat ng Valenzuela City Police sa Anti-Kidnapping Group sa Camp Crame.

 

 

Show comments