^

Police Metro

Binata binoga ng sekyu, patay

Pang-masa

MANILA, Philippines - Pitong bala ng shotgun ang ibinaon ng isang security guard sa isang 19-anyos na binata na sumugod dahil sa pakikialam ng una sa riot ng kalabang gang malapit sa gate ng binabantayang subdivision kahapon ng madaling-araw sa Brgy.Bayan Luma 7,  Imus City, Cavite.

Ang biktima na di­neklarang dead on arrival  sa Our Lady of Pillar Hospital sa Imus City  ay kinilalang si Vladimir Teves Jr. Ang suspek na nadakip sa isang follow-up operation ay nakilalang si Richard Marto, security guard ng Villa Celina Subdivision, Brgy. Bayan Luma 7.

Sa imbestigasyon ng pulisya, dakong alas-1:20 ng madaling-araw ay naka-duty ang suspek sa gate ng subdivision nang mamataan ang dalawang grupo ng kabataan na nakatakdang mag-riot.

Nagtangkang umawat ang sekyu sa mga kabataan subalit siya ay pinagbabato umano at sinugod umano ng biktima.

Napilitan ang suspek na paputukan ang biktima ng dalang shotgun na ikinasawi nito. -Joy Cantos, Cristina Timbang-

vuukle comment

BAYAN LUMA

BRGY

CRISTINA TIMBANG

IMUS CITY

JOY CANTOS

OUR LADY OF PILLAR HOSPITAL

RICHARD MARTO

VILLA CELINA SUBDIVISION

VLADIMIR TEVES JR. ANG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with