3 katao tepok sa salpok

MANILA, Philippines - Tatlong katao ang nasawi sa magkahiwalay na aksidente sa kalsada sa Ta­gaytay City, Cavite at Si­ba­gat, Agusan del Sur ka­ma­ka­lawa.

Ang mga nasawi ay ki­nilalang sina Rogelio Estares, 66, may-asawa, electrician, residente ng Brgy. Kaybagal Central at Joseph Aguilar, 33, may-asawa welder, residente ng Brgy. Maitim 2nd East kapwa sa Tagaytay City at Irene Castro Botron ng Butuan City.

Batay sa ulat, ganap na alas-8:20 ng umaga ay  sakay ang dalawang biktima na sina Estares at Aguilar ng isang tricycle (DS 9026) at binabagtas ang Aguinaldo Hi-way na kung saan ay kasunod ang L300 van (NID-670)  na minamaneho ni Rommel Morales Sr., 41, ng Brgy. Balite 1st Silang, Cavite at kasama ang helper na si Tommy Dela Cueva 26-anyos, ng Brgy. Sto. Tomas, Batangas.

Bigla umanong nag-overtake ang tricycle na kung saan ay sumabit ang gulong sa van na naging dahilan para ito ay bumaliktad at pagbagsak ng dalawang biktima sa kalsada ay nasagasaan ito ng van na kung saan kapwa ito nasawi.

Samantala, ang biktimang si Botron ay aksidenteng masagasaan ng isang humahagibis na behikulo sa kahabaan ng Maharlika highway, Purok 4, Sitio Tambis, Brgy. Afga, Siba­gat, Agusan del Sur.

Sa ulat, ang biktima ay nabundol ng Isuzu Sportivo (BJ800) na minamaneho ni Bernard Limpangog, negosyante, ng Brgy. Pob­lacion, Bayugan City nang bigla itong tumawid kaya’t nasal­pok na agad din niyang ikinamatay. – Joy Cantos, Cristina Timbang–

 

Show comments