Mister patay sa bugbog ng 2 kapitbahay

MANILA, Philippines - Hindi na umabot ng buhay sa Quezon City General Hospital ang isang 36-anyos na mister matapos itong gulpihin ng dalawa nitong kapitbahay na napikon sa biro habang sila ay nag-iinuman kamakalawa ng gabi sa Quezon City.

Ang nasawi ay nakilalang si Charlie Ignacio, residente ng Brgy.Veterans Village, Pro­ject 7 ng lungsod.

Ang dalawang suspek na kapitbahay na agad naaresto ay nakilalang sina Ferdinand Kevin Quimbang, 40; at Raymark Ebale, 22.

Batay sa ulat, dakong alas-7:30 ng gabi ay kapwa lasing na ang biktima at mga suspek sa kanilang pag-iinuman sa harap ng bahay sa no. 36 B, Lanete St., Brgy. Veterans Village.

Ayon sa testigong si Joseph Meek, na isa sa kainuman ng na nagbiro na hihiram ang biktima ng baril kay  Quimbang na nagkataon na ito ay nakaharap sa isa pang suspek na si Ebale.

Ikinagalit ito nina Quimbang at Ebale at kanilang pinagtulu­ngang gulpihin ang biktima hanggang sa ito ay mawalan ng malay tao.

Agad na itinakbo ni Meek kasama ang kaibigang si Federico Dona ang biktima sa naturang ospital, suba­lit binawian din ito ng buhay.

 

Show comments