Kakarampot na rolbak, ipinatupad

MANILA, Philippine s- Nagpatupad ng kaka­rampot na rolbak ang ilang kumpanya ng langis kaninang madaling araw.

Sa kanilang mga advi­sories, sabay-sabay na nag­patupad ng rolbak sa premium, unleaded, regular gasoline, diesel at kerosene dakong alas-12:01 ng hatinggabi ang “Big 3” na Pilipinas Shell, Petron Corporation at Chevron Philippines.

Pawang nagtapyas ang mga ito ng magkakaparehong halaga sa parehong mga produkto.  Binawasan ang premium at unleaded gasoline ng P.35 sentimos kada litro, P.85 kada litro sa regular gasoline, P.45 sentimos kada litro sa diesel, at P.70 kada litro sa kerosene.

Patuloy na ikinatwiran ng mga tagapagsalita ng mga kumpanya ang galaw ng presyo ng langis sa in­ternasyunal na merkado.  Inaasahan naman na susunod dito ang mga small at independent oil players sa bansa.

Show comments