MANILA, Philippine s- Pinakakalkal ng isang partylist group sa pamahalaan ang sinasabing nasabat ng Bureau of Customs (BOC) na sako-sakong smuggled na Vietnam rice na nagkakaÂhalaga ng P9 million upang mabatid kung sino ang mga nasa likod nito.
Ipinagtataka ng Abono Partylist Group kung bakit ang mga sako-sakong smuggled na bigas na nagmula sa Vietnam, na nakalagay sa 35 20-footer container van na nahuli ng mga tauhan ni BoC DeÂputy Commissioner Danilo Lim ay walang consignee at wala umanong nagmamay-ari ng mga ito at nalaman pa rin na hindi ito masampahan ng kaso sa DOJ.
Nasabat ng mga taga Customs kamakailan ang mga nabanggit na bigas sa Phividec, Tagoloan, Misamis Oriental.
Nanawagan din ang Abono Partylist sa Department of Justice (DOJ) na magsagawa ng imbestigasyon hinggil sa naging operasyon ng mga tauhan ni Lim laban sa naturang mga smuggled Vietnam rice.
Mahigpit ang kautusan ni Pangulong Benigno Aquino III sa BoC na kung sakaling may masasabat na mga kahinahinalang mga kargamento sa bansa ay kaagad na sampahan ng kaso sa korte.