Binata pinabulagta
MANILA, Philippines - Bulagta ang isang binata makaraang pagsasaksakin ng dalawang lalaki na kanyang nakasagutan matapos silang magkabanggaan ng balikat sa Quezon City, kahapon ng madaling araw.
Kinilala ang biktima na si Jonhver Ortiz, 28, karpintero, stay-in sa TSD barracks na matatagpuan sa Ermin Garcia St., Brgy. Silangan sa lungsod.
Hanap naman ng awtoÂridad ang mga suspek na sina Jonathan Rodolfo, 19, laborer na taga Valenzuela City at Jimmy Mancoba, 30, steelman ng Turayong, Cauyan City, Isabela.
Sa ulat ni SPO1 Greg Maramag, may-hawak ng kaso, nangyari ang inÂsidente sa may TSD construction sa Ermin Garcia St., Brgy. Silangan, Cubao, ganap na alas- 2:30 ng madaling-araw.
Bago ang krimen ay naglalakad pababa sa hagdan sa nasabing lugar ang biktima galing sa inuman nang aksidenteng mabangga nito sa balikat si Rodolfo.
Nagalit umano si Rodolfo, kaya kinompronta nito ang biktima at nagkaroon ng pagtatalo.
Sa kainitan ng pagtaÂtalo, biglang nagbunot ng patalim si Rodolfo habang hinawakan naman ni Mancoba ang magkabilang balikat ng biktima, bago ito tinarakan ng sunud-sunod na saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan.
- Latest