MANILA, Philippines - Pinagbabaril ng riÂding-in-tandem suspek ang isang barangay chairman na tuÂmatakbong mayor habang ito ay nakatayo sa tapat ng bahay ng kapitbahay kahapon ng tanghali sa Brgy. Fortuna, Marcos, Ilocos Norte.
Ang biktima na namatay noon din dahil sa mga tama ng bala sa ibat ibang bahagi ng katawan ay nakilalang si Alfredo Arce, Brgy. Chairman sa naturang lugar at mayoralty candidate ng nasabing bayan.
Nasugatan naman ang dalawang bystander na tinamaan ng ligaw na bala na kinilalang sina Apple Joy Joaquin, 21-anyos, daÂlaga at Karlajayan AgusÂtin, 5-anyos na ginaÂgamot sa Sta. Teresita Hospital sa nasabing bayan.
Batay sa ulat, ala-1:30 ng hapon habang nakatayo si Arce sa harapan ng bahay ng pamilya Macatiag sa kanilang barangay ay biglang sumulpot ang riding-in-tandem at pagbaÂbarilin ito.
Mabilis namang tumaÂkas ang mga salarin patuÂngo sa hindi pa malamang destinasyon matapos ang insidente.
Pinaniniwalaan namang may kinalaman sa puÂlitika kaugnay ng midterm election sa Mayo ng taong ito ang krimen habang patuloy ang imbesÂtigasyon sa kaso.