MANILA, Philippine s- Kasong administratiÂbo ang isinampa laban sa 23 miÂyembro ng Batangas Police na sangkot sa pagÂkaÂmatay ni Fernando “PanÂdoyâ€Morales, tauhan ng napatay na gambling operator na si Vic Siman sa pumalpak na opeÂrasyon sa Brgy. Lipahan, San Juan, Batangas noong Enero 14 ng taong ito.
Magugunita na si Siman ay kabilang sa 13 kataong napatay sa kontrobersyal na shootout sa Atimonan, Quezon noong Enero 6.
Kabilang sa mga kinasuhan ay sina Supt.Raul Tacaca, C/Inspectors CrisÂtito Acohon, Rodolfo Ama, Inspector Kent Jerek Capadosa, SPO4 Arturo Patulot, SPO2 Edgardo Ilagan, SPO1s Edilberto Eje, Erwin Cetron, Rodrigo Arguelles, Gener Pineda, PO3s Danilo Piol, Allan Natanauan, Luis Alexander Capacia, Jonathan Cansanay, Mark Christopher Aala, FlorenÂcio Austria, Christian CaÂguimbal, Ruel Dimaano, at Marlon Aguado, PO2s Reynold Ramirez, Bernie Alday, Herbert Rellora at PO1 Michael de Castro.
Samantalang ang daÂlawa pang opisyal na sina Batangas Provincial Police Office Director P/Sr. Supt Rosauro Acio at Sr. Supt. Arner Dimabuyu, Regional Operations Task Force ng Batangas Police ay mahaharap din sa kasong administratibo kaugnay ng kabiguang isuperbisa ang operasyon pero kailangan pa ito ng clearance ng palasyo ng Malacañang.
Ayon kay PNP Spokesman Chief Supt. Generoso Cerbo Jr., nahaharap ngayon sa kasong ‘serious irregularities in the performance of duties’ at posibleng madismis sa serbisyo ang mga pulis sa sumablay na operasyon noong Enero 14.
Inihayag ni Cerbo, base sa inisyal na imbestigasyon ng PNP-Internal Affairs Service, gumamit ng sobrang puwersa ang arresting team laban kay Morales.