MANILA, Philippines - Tinanggihan ni Bangon Pilipinas senatorial candidate Bro. Eddie VillaÂnueva ang alok ni dating Pangulong Erap Estrada na maging guest candidate ng United Nationalist Alliance (UNA) matapos nilang tanggalin sina Senators Chiz Escudero, Loren Legarda at Grace Poe.
Ayon kay Bro. Eddie sa Headstart program sa ANC, mismong si daÂting Pangulong Estrada ang nag-alok sa kanya upang maging guest candidate, pero magalang niya itong tinanggihan dahil sa mas gusto niyang tumakbong independent.
Aniya, kaibigan niya ang dalawang kampo kung saan ay ang anak niyang si TESDA Sec. Joel Villanueva ay nasa Gabinete pa mismo ni Pangulong Benigno Aquino III habang ang UNA naman ay pawang kaibigan niya ang naroroon tulad nina Vice-President JejoÂmar Binay, Estrada at Senate President Juan Ponce Enrile.
Naniniwala si Bro. Eddie ng Jesus Is Lord (JIL) na susuportahan siya ng taumÂbayan upang iluklok sa Senado ang isang kandidatong isinusulong ang moralidad at maka-Diyos na mga adhikain para sa ikabubuti ng bansa.
Sinabi pa ni Bro. Eddie, tutol din siya sa pagpapatupad ng total gun ban sa bansa dahil mahirap ang gunless society na maaari lamang mangyari sa isang Euthopian state (perpektong komuÂÂnidad).Suportado rin niya ang Responsible Parenthood, subalit mariin niyang tinututulan ang abortion.
Hindi naman siya tutol sa panunumÂbalik ng death penalty basta ang hatol na ito ay ipapataw lamang sa mga gumawa ng heinous crimes.