MANILA, Philippines - Nagreklamo ang libu-libong residente ng Bangatalingan, Iba, Zambales na masyadong naguguluhan sa konstruksiyon ng napakamahal at mala-flyover na tulay sa isang bahagi ng national highway ng naturang barangay.
Ayon kay Avelino “Jimmy†Mon Jr., spokesperson ng mga apektadong residente, ipinoprotesta nila ang tila napakamahal na proyekto na kaduda-duda ang intensiyon dahil hindi naman isang ilog ang nilagyan ng tulay kundi maliit na sapa lamang na walang pang 15 metro ang luwang.
Nilinaw din ni Mon na hindi naman tulay ang pinayagang proyekto ng mga residente sa Department of Public Works and Highways kundi pagpapalapad lamang ng kalsada nang sila’y konsultahin.
Kabilang sa mga komunsulta sa kanila si Barangay Chairman German Rebultan at mga konsehal ng naturang baraÂngay bilang mga testigo sa road widening project ng DPWH.
Nagulat na lamang ang mga residente nang biglang tulay pala ang ipatatayo na napakamahal sa halagang P45 milyon at 2.8 metro ang taas na nakapagtatakang hindi man lamang inilahad sa konsultasyon ang disenyo na ikinagulat nila.
Nag-rally kahapon ang mahigit 1,000 mamamayan at lumalawak pa ang protesta para mapatigil ang proyekto kaya umaksiyon na si Iba Mayor Ad Hebert Deloso na naghain ng cease and desist order sa DPWH para alamin at lutasin ang hiling ng mga tao.