MANILA, Philippines - Napalitan ng kalungkutan ang katatapos lang na kasalan matapos na madaÂmay sa 27 na nasusunog na bahay ang pinagdadausan ng reception na ikinasugat ng tatlong katao sa Brgy. Bulacao, Cebu City nitong Lunes ng hapon.
Ang tatlong nasugatan ay nakilalang sina Aden Sigue, 36; Juanito AbellaÂnosa, 52 at San Opao, 34.
Sa ulat ng Cebu City Fire Marshal, nakasuot pa ng wedding gown nang magtatakbo ang bride na si Anna Marie Sanopao, 27-anyos habang naka-necktie rin at suot ang damit pangkasal ang kaniyang groom na si Dionesio Marimon, 29-anyos; pawang empleyado ng SM City Cebu.
Batay sa ulat bandang alas-3:30 ng hapon nang mangyari ang sunog sa nasabing lugar kung saan kabilang sa naabo ay ang bahay na nirentahan ng mga bagong kasal para doon muna sana magpalipas ng unang gabi sa kanilang honeymoon.
Nabatid na kumakain sa reception area ang mga biÂsita habang abala ang bride na magbukas ng regalo nang magsigawan at magpanakbuhan ang mga bisita nang biglang lumagablab ang apoy sa isang bahay sa lugar na mabilis na kumalat sa pinagdarausan ng okasyon.
Tanging tatlong regalo lamang sa kanilang kasal ang nagawang mailigtas ni Anna Marie dahilan sa bilis ng pangyayari habang ang kaniyang groom ay naisalba naman ang sound system na nirentahan nila para sa kanilang wedding party.
Nadamay at naabo rin sa sunog ang inorder na lechon at iba pang handa ng mga bagong kasal na aabot sa P 40,000.00 ang halaga.
Lumilitaw naman sa inisyal na imbestigasyon na isang nag-overheat na plantsa mula sa isang bahay sa lugar ang pinagmulan ng sunog na tinatayang aabot sa mahigit P1M ang pinsala.