MANILA, Philippines - Nagsampa kahapon ng kasong administratibo si Manila Vice-Mayor Isko MoÂreno sa National Police Commission (NAPOLÂCOM) laban kay Police ComÂmunity Precinct (PCP) commander P/Insp. Eduardo Morata at 30 pang pulis na dumakip sa kanya sa isang pa-bingo sa kalsada sa Sta. Cruz, MayÂnila kamakailan.
PartiÂkular na isinampa sa Napolcom ang kasong “grave misconduct at abuse of authority†laban sa mga pulis.
Sinabi ni Moreno na iligal ang ginawang pag-aresto sa kanya nina Morata dahil sa hindi malinaw ang kanyang kaso at hindi siya binasahan ng “Miranda Doctrineâ€. Bukod dito, naÂging marahas ang pag-aresto tanda ng pagkakasugat kay Moreno.
Sinabi ni Moreno na ipinauubaya na nila sa Napolcom ang magiging aksyon sa isinampa nilang reklamo.
Bukod rito ay ipinagÂharap na rin ng patung-patong na kasong kriminal ng grupo ni Moreno sa Office of the Ombudsman si Morata at iba pang John Does kaugnay pa rin ng pag-aresto sa kanila nitong Sabado.
Partikular na isasampa nila ay roberry, grave coercion, unlawful arrest, arbitrary detention at incriminating innocent person.
Wala pa namang isinasampang kaso si Moreno laban kay Station 3 commander P/Supt. Ricardo Layug kung saan naghahanap pa sila ng ebidensya. Binigyan naman ng Napolcom si Morata ng limang araw upang sagutin ang kaso laban sa kanya.
Samantala, nag-inhiÂbit ang mga piskal sa Lungsod ng Maynila sa paghawak sa kaso ni Moreno at lima pang konsehal.
Kaya’t inihayag ni Justice Secretary Leila de Lima na ang DOJ na ang hahawak ng alinmang kaso na may kinalaman sa naganap na insidente
Paliwanag ni De Lima, nagpasya ang mga ng MaÂnila Prosecutors’ Office dahil na rin sa pagiging senÂsitibo ng nasabing kontrobersiya.