Ekonomiya ng bansa umaangat

MANILA, Philippines - Malaki ang paniniwala ni Bureau of Customs (BoC) Commissioner Ruffy Biazon na ang pag-angat ng ekonomiya ng bansa ay dahil sa pag­taas ng koleksyon ng ahen­siya na pumalo sa mas mataas na porsiyento ni­tong nakaraang buwan ng Enero.

Binigyan nito ng ma­la­king kredito ang pama­mahala ni Pangulong Noy­noy Aquino kung bakit umu­unlad ang  eko­no­miya sa bansa at kung bakit nalagpasan pa ng ahensiya ang itina­kda nitong target col­lec­tion na maituturing na isa sa pinaka-major accomplishment ng pamu­nuan ni Biazon.

Magugunita na tu­maas ng 8 porsiyento o pumalo sa P24.5 bilyon  ang koleksyon ng BoC kaysa sa itinakdang target collection na nasa P24.3 bilyon.

Ang naging pagtaas ng koleksyon ng buwis ng BoC ay magiging po­sitibo ang epekto sa ka­sa­lukuyang pamahalaan dahil malaki ang maitu­tulong nito sa mga prog­ra­mang pinatutupad nito na ang higit na ma­ki­ki­na­bang ay ang taum­bayan.

Itinuturing na isa sa mga  dahilan nang pagtaas ng koleksyon ng BoC ay dahil sa naging mahigpit na kampanya laban sa illegal smuggling at isina­sagawang paglilinis nito sa nabanggit na ahen­siya.

 

Show comments