MANILA, Philippines - Hindi pa malinaw kung nagpakamatay o pinatay ang biktimang si Airman 2nd Class Joebert Esconde Madayag, na natagpuang duguan ang ulo sa loob ng kanyang barracks sa Headquarters and Support Service Group ng PAF sa Villamor Air Base Pasay City kahapon.
Batay sa ulat, bandang alas-8:00 ng umaga nang matagpuan ang bangkay ni Madayag na may tama ng bala sa ulo sa loob ng opisina nito at natagpuan sa tabi ang isang kalibre .9mm pistol.
Ilang mga kasamaÂhang sundalo ni Madayag ang inimbitahan ng pulisya upang magbigay paliwanag kaugnay sa insidente kaya’t inabot ng maghapon ang pagÂsisiyasat na isinagawa ng pulisya. Isasailalim din sa paraffin test ang bangkay ng biktima upang makumÂpirma kung sadyang nagpakamatay o pinatay ang biktima. – Joy Cantos, Danilo Garcia –