Riding-in-trio todas sa C-5

MANILA, Philippines - Dead-on-the spot ang dalawang la­laki habang na­matay sa ospital ang isa pa nilang kasama matapos ang motorsiklo na kanilang sinasakyan na bumabagtas sa C-5 Road ay nawalan ng kontrol at bumangga sa isang taxi kahapon ng madaling-araw sa Pasig City.

Ang mga nasawi ay kinilalang sina Rey Mark Pontay, driver ng motorsiklo at ang dala­wang angkas na sina Daryl Ramirez at Aldrin Visbal, pawang mga nasa hustong gulang.

Batay sa ulat ng pu­lisya, dakong alas-12:10 ng madaling-araw ay lulan ang mga biktima ng isang Kawasaki motorcycle (6064-OC) at mabilis na binabagtas ang C5 Southbound lane sa Brgy. Bagong Ilog, Pasig buhat sa Makati City.

Pagsapit sa pakurbang bahagi ng kalsada pa­ak­yat ng flyover ay nag-overtake ito sa unang sa­sakyan dahilan upang na­walan ng kontrol sa manibela si Pontay kaya’t nagpagewang-ge­wang ito hanggang sa su­mampa sa center island at pumakabilang linya ng kalsada na kung saan ay parating ang isang Toyota Vios (TXU-971) na taxi na minamaneho ni Michael Ugpay, 24-anyos, ng no. 55 Lancer St., Briston Village, Camarin, Caloocan City at nasalpok ang motorsiklo.

Sa lakas ng pagkaka­bangga, tumilapon ang tatlong biktima sanhi ng agad na kamatayan ng dalawa sa mga ito ha­bang ang isa ay nasawi ha­bang isinusugod sa Rizal Medical Center.

Sumuko sa mga oto­ridad si Ugpay na isi­na­sa­ilalim sa imbes­ti­gasyon at po­sibleng ma­sampahan ng kasong multiple ho­mi­cide resul­ting to reck­less im­pru­dence.

Ayon sa pulisya na nakainom ang mga nasawi na pawang walang icc sticker ang mga suot na helmet.

Show comments