MANILA, Philippines - Naglabas si Manila ArÂchbishop Luis Antonio Cardinal Tagle ng mga panuntunan para sa pagpili ng isang mahusay at tunay na lider ng bansa.
Sa kanyang mensahe sa isang leaders forum na ginawa sa lungsod Quezon, apat na mahahalagang panunÂtunan ang kinakailangan anyang maging katangian ng isang lider na mamuno sa ating bansa.
Una na rito anya ay ang tinatawag na “visionâ€, batay sa realidad, kakayanan at magbibigay ng direksyon para sa kapakanan ng nakakarami.
Mayroon din anyang kakayahang makahubog ng isang pangkat o “team†na ipagpapatuloy ang lahat ng sinimulan ng lider kahit wala na ito sa mundo at maipamamana sa mga susunod pang papalit dito.
Dapat din anyang culture sensitive rin ang isang lider, at alam ang paraan para maimpluwensiyahan ang isang kultura ng hindi nito matatapakan ang kanilang kalooban, halimbawa na rito ang lengguwahe, o pananaw.
At ang pinakamahalaga, sabi pa ng Cardinal ay ang pagkakaroon ng integridad, dahil sa ganitong katangian umano nakikita kung nasunod ng lider ang kanyang “vision†at nalalaman ang pagkukulang sa kanyang mga sinimulan.
Si Cardinal Tagle, ay naging guest speaker sa isang Leaders forum na inorganisa ng Gerry Roxas Foundation, sa Cubao QC kung saan naging benepisÂyaryo rin ang una ng schoÂlarship.