Accuser ni Alcala may 4 na kaso sa Ombudsman

MANILA, Philippine s- Ang accuser ni Department of Agriculture (DA) Sec. Proceso Alcala ay nahaharap sa apat na kaso ng katiwalian sa office of the Ombudsman.

Nabatid mula sa tanggapan ng Ombudsman na si Ramon Y. Talaga Jr., ay nahaharap sa apat na kaso ng paglabag sa Republic Act 3019 o Anti-Graft and Corrupt Practices Act na may case number SB-CRM-0208; SB10CRM0142; SB27738 at SB-11CRM-0204.

Ang unang kaso ay sinasabing isinampa noong Agosto 22, 2002; ang pangalawa ay isi­nampa noong Setyembre 17, 2010; ang pa­ngatlo ay noong June 8, 2011 at ang pinakahuli ay noong  Agosto 24, 2012 na ngayon ay na­ka­binbin at dinidinig pa sa Ombudsman.

Ang apat na nabanggit na mga kaso ay naganap noong Mayor pa ng Lucena City si Talaga.

Kamakailan ay kinasuhan ni Talaga sa Ombudsman si Alcala dahil sa umanoy hindi tamang paggasta ng halos P3.5 milyong halaga ng Priority Development Assistance Fund (PDAF) noong si Alca­la ay miyembro pa ng Kongreso.

Mariing itinanggi ni Alcala ang paratang sa kanya at iginiit na pinupulitika lamang sila ni Talaga dahil iti­naon ang pagsampa ng kaso sa kanya nga­yong eleksyon kahit na noon pang 2008 umano nangyari ang sinasabing reklamo.

Si Talaga ay tatakbo muling Mayor sa Lucena kalaban ang pamangkin ni Alcala na si Lucena incumbent Mayor Roderick Alcala.

Show comments