Bading na kagawad minartilyo ang ulo, todas
MANILA, Philippines - Todas ang isang baÂding na kagawad matapos itong martilyuhin sa ulo ng hindi pa nakilalang mga salarin sa ManduÂrÂriao District, Iloilo City kamakalawa ng hapon.
Kinilala ang biktima na si Ramonil Tongunes, 46 anyos, kagawad sa Brgy. Calajunan, Mandurriao District sa lungsod.
Sa ulat na nakarating kahapon sa Camp Crame, naganap ang insidente sa loob ng parlor ng biktima sa ikalawang palapag sa palengke ng nabanggit na lugar bandang alas-5:00 ng hapon.
Base sa pagsisiyasat ng pulisya, ang biktima ay nabasag ang ulo matapos na siya ay pukpukin ng martilyo at sinaksak pa sa iba’t ibang bahagi ng kanyang katawan.
Sa testimonya ni TriÂxia, kaibigan ng biktiÂma sa mga awtoridad, magÂkasama pa sila ng bikÂtima kamakalawa ng tanghali bago naganap ang krimen.
Huling nakitang buhay ang biktima na may kasamang dalawang lalaki na posibleng may kagagawan ng krimen.
Naniniwala ang pulisÂya na gulangan sa baÂyaÂran ang motibo ng krimen habang patuloy ang imÂbestigasyon sa kaso.
- Latest