MANILA, Philippines - Bulagta sa kalye ang isang holdaper makaraang makipabarilan sa mga awtoridad, ilang minuto matapos nitong holdapin ang isang dalagitang estudyante sa Quezon City, kahapon ng madaling araw.
Sinabi ni Supt. Norberto Babagay, hepe ng Quezon City Police District Station 11, wala silang nakitang pagkakakilanlan sa nasawing suspek pero isinalarawan niya ito sa pagitan ng edad na 30-35, may taas na 5’4, moreno, may tattoo na “Masiâ€,â€Barokâ€, “Boy Munoyâ€, “Talim†, “Parolaâ€, larawan ng dalawang lalaki, at “Mo†sa magÂkabilang braso nito.
Ayon kay Anjanete del Rosario, 15, estudyante ng San Bartolome high School, ang napatay na holdaper ang siyang humoldap sa kanya at tumaÂngay ng kanyang cell phone.
Sa imbestigasyon ni SPO2 Eric Lazo ng Criminal Investigation and Detection Unit ng QCPD, nangyari ang shootout sa Road St., katabi ng Nissan Building, Quezon Avenue, corner Araneta Avenue, Brgy. Tatalon, ganap na alas-12:30 ng madaling araw.
Bago ang insidente, naghihintay umano ng masasakyang jeepney ang biktima malapit sa lugar papauwi sa Novaliches, nang biglang sumulpot ang suspek at deklara ng holdap.
Kinuha umano ng suspek ang Samsung wave na cell phone ng biktima na nakasabit sa leeg nito, saka mabilis na tumakas.
Nakita ng estudyante ang nagpapatrulyang pulis na sakay ng isang mobile car at mabilis na hiningan nito ng tulong.
Agad namang nagsagawa ng pagtugis ang mga awtoridad kasama ang biktima, hanggang sa maispatan ng mga ito ang suspek sa Nissan motors building.
Tinangka ng mga awtoridad na arestuhin ang suspek pero nanlaban umano ito at nakipagbarilan sa mga awtoridad na nagresulta ng kanyang kamatayan.
Nagtamo ang suspek tama ng bala sa ulo, dibdib, at braso. Nabawi rin mula sa kanya ang cell phone ng biktima at isang kalibre 38 baril.