MANILA, Philippines - Higit pang pinalakas ng Pilipinas at bansang Canada ang kanilang puwersa para sa kampanya kotra terorismo.
Ipinakita kahapon kay Bureau of Customs (BoC) Commissioner Ruffy BiaÂzon ng isa sa opisyal ng bansang Canada ang isang behikulong ginagamit sa paglaban sa mga terorista.
Ipinakita kay Biazon ni Sub-Lieutenant Deck Watch Keeper Chris Witters ang Auxiliary Utility Vehicle na isa sa mga ginagamit ng Her Majesty Canadian Ship Regina.
Ito ay isang uri ng Frigate Canadian Ship na ginagamit ng bansang Canada sa kanilang operasÂyon kontra terorismo.
Nabatid na ang HMCS Regina ay bumisita sa bansa sa loob ng tatlong araw para palakasin ang samahan sa pagitan ng Pilipinas at Canada.
Kasama ni Biazon sina Deputy Commissioner for Internal Administration Lorenzo Tanada at Captain Glen Agudo ng Philippine Marine Corps nang ipakita sa kanya ni Witters ang naturang sasakyang pandagat.