Illegal logger na may kasong pagpatay, itinumba

MANILA, Philippines - Isang lalaki na umano ay illegal logger ang pinagbabaril sa bulubunduking bahagi sa liblib na lugar ng Brgy. Manyayay, Lianga, Agusan del Sur kamakalawa.

Ang biktima na nakilalang si Frisko Camino, ng bayan ng Lianga ay pinagbabaril bandang alas-4:00 ng madaling-araw.

Nabatid na patungo sa kagubatan  si Camino upang kunin ang itinatago nitong mga illegal na troso nang masalubong at pagbabarilin ng mga armadong salarin.

Sa tala ng Lianga Police Station, na bukod sa pagiging notoryus na illegal logger ay may warrant of arrest din sa kasong murder at frustrated murder sa bayan ng  Lianga at Barobo ang biktima.

Show comments