^

Police Metro

Purisima ibinasura ang hiling ni marantan

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Bigo ang kampo ni Supt. Hansel Marantan na mailipat ang imbestigasyon sa hurisdiksyon ng National Police Commission (Napolcom) sa kontrobersiyal na kasong shootout sa Atimonan, Quezon na ikinasawi ng 13 katao noong Enero  6  ng taong ito.

Ayon kay PNP Chief Director General Alan Purisima, ang ‘disciplinary body’ ng PNP ay mula sa Regional Director, Chief PNP, Napolcom, People’s Law Enforcement Board (PLEB) at Ombudsman upang maiwasan ang pagkakaron ng forum shopping  kaya dapat  ay isa lang ang  magsagawa ng imbestigasyon.

Binigyang diin ni Purisima na ang PNP-IAS ang inatasan niyang magsagawa ng imbestigasyon sa kasong administratibo laban kay Marantan at iba pa kaya dapat lang tapusin ang nasimulang pagsisiyasat.

Anya na kapag pinayagan niya ang mosyon ni Marantan ay magkakaroon lamang ng ‘forum shopping “ na posibleng ikadismis ng kaso.

Inihayag pa ng PNP Chief na opinyon lamang umano ni Marantan ang sinasabing ‘pre judgement ‘ sa naturang kaso.

Magugunita na pinalagan ni Marantan ang isinasagawang imbestigasyon ng PNP-IAS dahil maaga umano siyang hinusgahan ng PNP Chief na makakaimpluwensya sa imbestigasyon at hindi siya makakakuha ng patas na hustisya.

Si Marantan ang team leader na nagsagawa ng operasyon laban sa grupo ni Vic Siman, umano’y lider ng gun for hire na kabilang sa napatay sa kontrobersyal na shootout sa Atimonan.

ATIMONAN

CHIEF DIRECTOR GENERAL ALAN PURISIMA

HANSEL MARANTAN

LAW ENFORCEMENT BOARD

MARANTAN

NAPOLCOM

NATIONAL POLICE COMMISSION

PNP

REGIONAL DIRECTOR

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with