^

Police Metro

Bagong laya na holdaper, balik-selda

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines -Halos mahigit pa lamang na isang linggo nakakalaya sa kulungan ang isang lalaking holdaper ay balik agad ito sa selda matapos na maaresto sa panghoholdap sa isang lalaki, kahapon ng madaling araw sa Pasay City.

Ang suspek na muling ikinulong sa Pasay City Jail ay nakilalang si Jessmark Nichols, 20-anyos, binata, miyembro ng Sigue-Sigue Sputnik Gang, at residente ng M. Dela Cruz Ext. ng naturang lungsod.

Batay sa ulat, dakong alas-2:30 ng madaling-araw ay nagpapatrulya ang mga pulis na sina PO1s Judyric Cadiz at Acapulco Castillo ng PCP-7, nang mapansin na hinoholdap ng suspek ang biktima na nakilalang si Jeric Resare, 35, may-asawa, hardinero, residente ng 160 Sitio 2 Block-6, Brgy. Fort Bonifacio, Taguig City sa tapat ng Lion Club videoke bar sa may EDSA.

Agad na nasakote ng mga pulis si Nichols at narekober ang mga gamit na tinangay kay Resare maging ang patalim na gamit sa panghoholdap.

Sa record ng pulisya kalalaya pa lamang ng suspek nitong nakaraang Lunes dahil sa kasong panghoholdap.

vuukle comment

ACAPULCO CASTILLO

DELA CRUZ EXT

FORT BONIFACIO

JERIC RESARE

JESSMARK NICHOLS

JUDYRIC CADIZ

LION CLUB

PASAY CITY

PASAY CITY JAIL

SIGUE-SIGUE SPUTNIK GANG

TAGUIG CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with