Rider dedo sa karambola sa EDSA
MANILA, Philippines - Dead-on-arrival sa Pasay City General Hospital ang isang motorcycle rider na si Oliver Sarigumba, 36, ng V. Vizcarra St., Pasay City makaraang magtamo ng matinding pinsala sa ulo. Habang nasugatan ang pasahero ng jeep na si Myra Sadang sa naganap na banggaan ng tatlong pampasaherong jeep at motorsiklo ng una kamakalawa ng alas-6:30 ng gabi sa Pasay City.
Inaresto naman ang driver ng pampasaherong jeep na si Joel Salabao, 35, na sinasabing unang nakabangga.
Naganap ang aksidente sa kahabaan ng EDSA malapit sa kanto ng C. Jose St., nang mawalan preno ang jeep (NYJ-804) ni Salabao at nasalpok niya sa likuran ang isa pang jeep (DKP-330) na minamaneho naman ni Crisando Alcarde, 37, at ang motorsiklo ni Sarigumba na kung saan ay tumilapon ito at pumailalim sa isa pang nabundol din na pampasaherong jeep na minamaneho naman ni Basilio Cas, 36-anyos.
- Latest