^

Police Metro

Kapag may foul play sa pagkamatay ng witness sa Ortega murder case… BJMP officers, personnel sisibakin, kakasuhan

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Kapag napatuna­yang may foul play o cover-up sa kaso ng pagbibigti umano ng suspek na ginawang testigo sa kaso ng ambush-slay ng brodkaster na si Gerardo “Doc Gerry” Ortega ay agad na sasampahan ng kaso at sisibakin sa serbisyo ang sinumang opisyal at tauhan ng Bureau of Jail Management (BJMP).

Ito ang tiniyak kahapon ni Interior and Local Government Secretary Mar Roxas II matapos na makarating sa kaniyang kaalaman ang pagsigaw ng foul play ng pamilya ng witness na si Dennis Aranas na umano’y nagbigti sa kanyang selda sa Quezon District Jail sa Lucena City noong Martes ng alas-10 ng umaga.

Sinabi ng Kalihim na hindi niya kukunsintihin ang sinumang mga opisyal at tauhan ng BJMP kapag lumitaw sa ipinag-utos niyang imbes­tigasyon na may pagkakasala o pananagutan ang mga ito sa kaso.

Interesado na malaman ni Roxas kung bakit hindi nabigyan ng pagkakataon ang Scene of the Crime Operatives (SOCO) ng PNP  na siyasatin ang krimen, o ang pagkamatay  ni Aranas  at ang lugar  kung saan ito natagpuang patay.

Si Aranas ang itinuturing nagsilbing lookout sa krimen.

ARANAS

BUREAU OF JAIL MANAGEMENT

DENNIS ARANAS

DOC GERRY

LUCENA CITY

QUEZON DISTRICT JAIL

SCENE OF THE CRIME OPERATIVES

SI ARANAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with