Sekyu na asar sa manager hinoldap ang bangkong binabantayan

MANILA, Philippines - Paninira lang sa bank manager ang inihayag ng naarestong sekyu na hinoldap ang binabantayan nitong sangay ng China Banking Corporation (CBC) sa E. Rodriguez, Quezon City noong Mayo 2012.

Ito ang ini­hayag ng suspek na si Reynan­te Gante nang maaresto at sinabi na matapobre ang kanilang bank manager na si Ana Maria Raquel Samala kaya’t nagawa niyang holdapin ang bangko bilang paghihiganti.

Ipinagtanggol ng mga guwardiya ng bangko na sina Efren Gamao, Richard Boston, Alexander Vizzar­ra at Robby Tungol ang kanilang bank manager at sinabi na nasilaw sa pera ang suspek kaya’t nagawa nito ang krimen.

Katunayan anya ay ti-nu­ lungan pa ni Samala ang suspek  nang magkasakit ang nanay nito sa pamamagitan ng pagbili rito ng tiket sa eroplano papunta at pabalik ng Davao, at  binigyan din ng pera upang maipagamot ang maysakit na ina at binayaran din ang kanyang suweldo mula sa sariling bulsa ni Samala.

Magugunita na iniharap sa media ni QCPD Dir. Sr. Supt. Richard Albano nitong Enero
25, 2013 si Gante at kanyang inamin na ang nata-ngay niyang P1.2 milyong ay kanyang ipinambili ng lupa.

 

Show comments