2 kinasuhan ng smuggling sa DOJ
MANILA, Philippines - Dalawa katao na sangkot sa umano’y tangkang pagpupuslit ng pekengtela mula sa China na nagkakahalaga ng P315 milyon ang sinampahan kahapon ni Bureau of Customs (BoC) Commissioner Ruffy Biazon sa Department Of Justice (DOJ).
Ang mga kinasuhan ay kinilalang sina Ronaldo A. Cruz, may-ari ng Trio Trading Company at broker na si Merrian A. Misula.
Ang mga ito ay sinam pahan ni Biazon ng kasong anti-smuggling at violation of section 3601 in relation to section 101 and 2530 of the Tariff and Customs Code of the Phi-lippines.
Batay sa record, nasabat kamakailan sa pantalan ng Maynila ng mga tauhan ni Biazon ang isang forty-footer container van, na nagÂlalaman ng mga pekeng tela ng Mickey Mouse, Chanel at Louis Vuitton na nanggaling sa bansang China na naka-consigned sa Trio Trading Company na pag-aari ni Cruz.
- Latest