PLM ‘di isasara - Lim

MANILA, Philippines - Pinabulaanan ni Manila Mayor Alfredo Lim at Atty. Rafaelito Garayblas, acting President ng  Pamantasan ng Lungsod ng Maynila, ang kumakalat na balitang ipasasara na ang nasabing unibersidad.

Ito ang inihayag ni  Lim sa pagdalo nito sa ika-10 taong anibersaryo ng College of Mass Com sa PLM upang linawin na hindi totoo ang kumakalat na tsismis.

Malabo anyang magsara ang PLM na nasa ika-4 na ranggo sa top 20 Colleges of Medicine sa bansa, na nangunguna pa sa board examinations.

Show comments