MANILA, Philippines - Isang magandang baÂlita sa mga naghaÂhanap ng trabaho sa ibang bansa ang inihayag ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA) dahil sa kailaÂngan ngayon ng pamahalaang Saudi at iba pang bansa sa Middle East ang 200,000 Pinoy na trabahador.
Ayon kay POEA Administrator Hans Leo Cacdac, karamihan sa mga aplikanteng kailaÂngan ay sa larangan ng construction sa Saudi Arabia, United Arab EmiÂrates, Oman at Qatar.
Aniya, bibigyan ng monthly salary na $700- $1,000 ang mga mapapaÂlad na aplikante tulad ng highly-skilled workers.
Sinabi pa ni Cacdac na maging sa bansang Singapore at Malaysia ay nangangailangan na ng mga manggagawang Pinoy.
“Sa Singapore, construction, tourism, maski mga nurses, health worÂkers. Sa Malaysia, agricultural workers,†pahayag ni Cacdac.
Pinayuhan ni Cacdac ang mga naghahanap ng trabaho na makipag-ugnayan lamang sa POEA at huwag makipag-deal sa mga ‘bogus’ na recruitment agencies.